Wednesday, December 29, 2010

Send Unlimited Text To Any Network / Abroad.

Guys share ko lang tong gamit kong pang text sa inyo. Libre po ito at unlimited pa plus pwede pa itong gamiting pang text sa ibang bansa. Ang maganda dito eh on time ang pagdating ng message sa receiver natin. May kasama pa itong ibang magagandang features. Alam kong marami nang gumagamit nito sa ngayon. Post ko lang para sa mga di pa nakakaalam. Credit sa unang nakatuklas nito. Sundan nyo lang ang steps and im sure matutuwa kayo kapag nakuha nyo ng maayos. Paki delete na lang po kung repost eto o magkapareho ang steps. Sana makatulong po ito sa inyo.



LETS START THE TUTORIAL

Requirements:

Any Operamini with working prov file

1.00-9.99 pesos load para sa SMART at 0-4.99 pesos load naman sa GLOBE.

Pag somobra kasi, kakainin yan.

1. Gamit ang operamini, punta tayo sa www.mjoy.com.

2. Click JOIN. Mapupunta tayo ngayon sa Registration Page.

3. Fill-up natin ang Country, syempre Philippines ang ilalagay natin.

4. Fill-up din natin ang Phone Number.

Format: +63 +10digit mobile number.

Example: +639123456789

Note:

Kung anong number ang ilalagay natin ay yun din ang mag-aappear sa receiver natin. Kung naka-phonebook yun sa cp nila eh pangalan mismo natin ang magreregister sa cp nila.

5. Input natin ang 4 digit random code.

6. Click REGISTER. Magsesend ito ng Confirmation Message sa number na nilagay natin. Pag natanggap na natin ang message, exit Operamini.

7. Buksan natin ang natanggap na message. Kopyahin po natin ang web address o ang link na nakalagay dun by pressing OPTION> MARK TEXT> mark the link> COPY.

8. Open natin uli ang Operamini. Sa web address box, input po natin ang nakopya nating link galing sa Confirmation Message ng MJOY. Ididirect tayo ngayon sa Sign up page ng MJOY. Sundan natin ang mga susunod pang steps. Fill-up natin ang mga required fields like password, etc. Kapag tapos na tayo eh pwede na tayo mag log-in sa MJOY.





Tips and tricks:

1. Sa pagsend ng message kapag nasa Home page na tayo ng MJOY,

i-click ang icon na may name na "Free Text", pagkaload ng next page i-click naman natin ang icon na may envelop with + sign sa gilid. Sa paglagay naman ng number ng receiver eh tanggalin lang natin ang "0" sa unahan ng number nila.

Example: 9123456789

Sa pag send naman sa international mobile numbers, ganito ang format.

+(country code)(mobile number)

2. Ang MJOY ay gumagamit ng Activity Credits sa bawat message na nasesend natin.

1 message=11 Activity Credits pag sa Pilipinas.

Di ko pa natry kung ilan ang bawas pag international mobile number ang receiver.

111 Activity Credits lang ang pwede nating maipon.

So, pano mag-ipon ng Activity Credits?

I-click lang natin ang mga ADS like waptrick.com, etc. Then click back, refresh. Masdan na nadadagdagan ang credits natin sa tuwing gagawin natin yun. Or sagutin lang ang 1 time surveys sa "Survey" at madadagdagan din ang credits natin.

3. Pwede nating gamitin ang MJOY bilang Online Phonebook. Mawala man sim at cp natin, may back-up pa rin tayo ng mga contacts natin.

4. Ang MJOY ay nagrerecord ng mga sent messages natin kaya paminsan-minsan ay magdelete tayo ng mga ito para makaiwas sa ng bf/gf natin.:

Sa pagdelete ng message, click natin ang envelop na mayx sa gilid, pagkatapos magload ng next page, iclick natin angx na katapat ng message na gusto natin idelete.

5. Pwede ding gamitin pang text sa ibang bansa.

Just explore MJOY.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Hostgator Discount Code